Pinaka-ayoko sa lahat ginagamit ang social networking site para magparinig na galit ka sa isang tao. Eh paano kapag di alam ng taong yun na galit ka sa kanya kasi may pagkamanhid sya, syang lang yung nastatus mo at malay mo baka iba pa ang mag-assume. Mahirap na. Baka magkaroon ka ng kaaway na di inaasahan.
Sabi nga ng mga True Friends ko LOSER at WEAK raw ang mga taong ganun. Di marunong lumaban ng harapan. Tama nga naman sila. Kaya ba idinadaan sa facebook status at wallpost para yung simpatya ng ibang tao sayo mapunta? Para may maging kakampi ka? Pero iilan lang sa kanila ang nakakaalam ng totoong kwento. Ikaw ang bida sa sarili mong kwento at sya ang kalaban (other way around).
Paano kapag di nauso ang social networking sites, magtitimpi ka na lang ba? Itatago mo na lang ba ang galit mo? Kasi walang magagawa kung panay status lang, mas maiging mag-usap ng personal. Wala namang di naayos na problema sa mabuting usapan. Maliban na lang kung hindi nyo pareho ibaba ang PRIDE nyo.
(credits to the owner of the photo)
No comments:
Post a Comment