One of the stories I've shared in some forums. Some says it was familiar, it's just that I've posted this in many forums such as in PinoyUnderground.com and PInoyRepublic.com. I wrote this story last year.
Nothing more to say. I hope you will like it.
Ako si Carissa, labin-isang taong gulang. Kahit kami ay mahirap lamang ay nabigyan pa rin kami ng aming magulang ng magandang pangalan. Bunso ako sa apat kong kapatid at ako ang nag-iisang babae. Hindi man ako nakapag-aral pero maami naman akong alam na itinuro ng aking magulang. At ito ang kwento ko.
klang.. klang .. klang .. tumunog na ang simabahan. Dali-dali akong bumangon sa aking kinahihigaan at inayos ang aking matigas na unan at kumot kong butas-butas. Tahimik lang ang aking ginawang paglalakad dahil baka magising ang aking itay na mahimbing ang tulog habang humihilik ng malakas. Dali-dali akong pumunta sa aming kusina upang makapag-agahan. Andun ang aking inay na inaayos ang ibebenta kong sampaguita. Napansin ko na mukhang masarap ang aming agahan ngayon, pritong hotdog na minsan lamang naming na matikman at pandesal. Pagkatapos kong kumain ay inayos ko na agad ang mga sampaguita at humalik ako sa pisngi ng aking inay at ako’y nagpaalam na para umalis. Naalala ko Miyerkules pala ngayon marami siguro ang magsisimba. Ako ngayon ay papunta na sa labasan upnag hintayin si Mario na matalik kong kaibigan. Andun na pala siya at nakasimangot kaya dali-dali ko siyang pinuntahan sa kanyang kinatatayuan at agad kong sambit O bakit ka nakasimangot? May problema ba?. Malungkot niyang sinabi sa akin na ang kanyang inay ay may sakit, wala silang pera upang ipambili ng gamot. Wala naman akong magagawa dahil pati ako ay wala pang pera. Pinipilit ko siyang pasiyahin ngunit bakas pa rin sa kanyang mga mata ang makungkutan. Pagdating naming sa simbahan ay agad kong sinimulang magtinda, ang una kong napagbentahan ay ibinigay ko sa kanya upang may maipambili siya ng gamot. Ito naman ay kanyang tinggap. At umalis na siya para maibili ng gamot ang kanyang ina. Nagtinda ako ulit ng sampaguita at sa awa ng Diyos ang aking mga sampaguita ay naubos agad. Habang aking hinihintay si Mario na makabalik, napansin ko ang simbahan ito pala ay kayganda at napaisip na lang ako bigla na hindi pa ako nakakapasok diyan sa simbahan at sana kung makapasok man ako sana ay kompleto ang aking pamilya. Iyon ay aking ininda na lamang bagkus naituon ang aking pansin sa mga nagtitinda ng mga kung anu-anong gamot. At isa dun si Mang Juan na sa tuwing may bibili sa kanya lagi niyang sinasabi na mabibisa ang mga gamot na kanyang ibenebenta. Pero bakit ganun kung epektibo at mabisa nga ang kanyang mga itinitinda, bakit hindi niya gamitin ang mga gamot na iyon sa kanyang anak na si Pamela na ilang buwan na raw na sa ospital. Isang magarang itim na sasakyan ang tumigil sa aking kinatatayuan, isang mayamang pamilya ang bumaba na may magagarang kasuotan. Kelan kaya ako makakapagsuot ng isang mamahalin at magarang damit, ang naitanong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na si Mario pala ay nasa akin nang likuran at sabay naming tinignan ang mayamang pamilya na papasok na ng simbahan.
Kami ngayon ay pauwi na, dahil tanghali na. Sa aming paglalakad ay napansin naming si Aling Beth na kasama ang tatlong anak at may buhat pang sanggol at bukod sa mga batang kasama niya ay may anak pa siya sa kanyang tiyan. Bakit pa kaya nila pinipilit magkaroon ng anak e ang dami naman na niyang anak na dapat alagaan nasabi ko na lamang at sinagot naman ako ni Mario at sabing ganyan talaga sila, pabayaan mo na lamang. Nang kami ay malapit ng makarating sa sa eskinitang aming papasukan ay nakarinig kami ng putukan, dali-dali kaming pumunta sa pinanggalingan ng tunog ng baril at agad naming nasulyapan na ang mga pulis ay nakikipaghabulan sa mga taong nakatira doon. Narinig ko sa isang ale na hinahabol daw sila dahil nagtitinda sila ng illegal na droga. Ilang minute ang nakalipas nawala na ang putukan, malamang hindi na nahabol ng mga pulis ang kamilang mga hinahabol dahil sana’y na ang mga taong nakatira dun na magtago at ang mga nakatira dun ay sanay na sa mga nanyayari. Papunta na kami ngayon sa isa pa naming tambayan sa bubong na bahay nila Mario medyo makulimlim kaya nakapagtambay kami doon. Nang kami’y nakaupo isang eroplano ang nakita naming mula sa kalangitan at sabay kaming nangarap na balang araw sa aming paglaki ay sabay kaming makaksakay ng eroplano at si Mario ang magiging piloto. Hindi naming namalayan hapon nap ala at nagpasya na akong umuwi baka hanapin na ako ng aking inay. Sa aking pagbaba napansin ko ang ina ni Mario at ako ay bumati sa kanya at nagpaalam na. Habang hindi pa ako nakakalayo kinapa ko muna ang aking bulsa para malaman kung andun pa ba yung pera na pinagbentahan ko ng sampaguita, mabuti at hindi iyon nawala.
Habang ako ay naglalakad na pauwi naalala kong may sinabi pala ang aking inay na huwag kong ipapaalam sa aking itay na may pera akong napagbentahan ng sampauita dahil baka kunin niya iyon at ipang-inom. Malapit nap ala ako sa aming bahay, at natanaw ko agad ang aking kuya. Tumakbo na ako ng mabilis at pagdating ko doon isang batok ang kanya sa isang isinalubong, ganyan talaga kung ako ay batiin niya nasanay na kung baga. Siya ay nag-utos na sabihin ko kay inay na aalis siya at kasama niya si kuya Carlo. Dahil kanya raw pupuntahan ang kaibigan niyang pinaghahanap ng pulisya. Ngumiti na lamang ako at isang ingat na lamang ang nabitawan kong salita. Ayon madilim nap ala ngunit wala pa sina inay na kasama ang isa ko pang kapatid na si Cj sa paglalako ng mga gulay. Habang ako ay nasa loob ng bahay, isang kalabog ang aking narinig. Si itay pala na mukhang lasing at galit na galit. Hinahanap niya si inay at sabi ko naming hindi pasiya dumarating. Nang marinig niya ang aking sagot ay agad niyang hinalughog ang mga gamit sa aming bahay, naghahanap ng pera ngunit wala siyang nakita. Agad niya akong nilapitan at galit nag alit na hinawakan ang aking mga braso. Sinimulan niyang kapain ang bulsa ko at dun ay may nakapa siya na supot na may lamang pera. Tinanong niya ako kung saan ko nakuha ang pera at sabi ko sa aking pagtitinda ng sampaguita. Pilit kong inagaw ang perang kanyang kinuha mula sa akin. Hindi ko namalayan na siya pala ay may hawak na malaking kahoy, isang malakas na hampas ang aking naramdaman kaya ako nawalan ng malay. Pagkalipas ng ilang oras ang aking inay at kapatid ay dumating na gulat na gulat. Hindi ko maipinta kanilang mga mukha na gulat na gulat at si inay bigla nalamang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at agad niyang tinawag an gaming mga kapitbahay. Nilapitan ko siya upang tanungin kung bakit pero hindi niya ako pinapansin kahit ang aking kapatod ay hindi rin ako pansin. Umakyat na lamang ako upang matulog.
Kinabukasan lahat ay maagang nagising pati ang aking mga kapatid halos lahat sila ay nakaayos ang damit. Aba mukhang may lakad ata kami ngayon, pero bakit lahat sila malungkot pati ang aking inay na iyak pa rin ng iyak. Nilapitan ko siya bakit ganoon hindi pa rin niya ako pinapansin. Nang kami ay palabas na napakaraming tao at pati a Mario ay andun din umiiyak. Nilapitan ko siya pero bakit ganun hindi niya ako pinapansin. Ako ay nalungkot at nang aalis na andun na lamang ako sa likod. Ako ay napangiti ng malaman kong sa simbahan pala an gaming pupuntahan sa wakas makakapagsimba na kami ng kompleto ang pamilya pati si Mario ay kasama. Ngunit bakit ganun, ako lamang ang masaya samanatalang ang iba ay nag-iiyakan. Ano kaya ang nangyari na hindi ko alam?. Lumapit ako sa aking ina at mga kapatid ngunit ayaw pa rin nila akong pansinin. Sa harapan ng simbahan may nakita akong isang kabaong, ito ba ang dahilan ng kanilang iniiiyakan? Natanong ko sa sarili ko. Nang akin itong lapitan nagulat ako dahil ako ang nakahiga sa kabaong na iyon. Ako ay napatulala hindi ko alam ang aking dapat gawin. Lumapit ang aking inay sa kabaong na walang tigil sa pag-iyak at sinabing mahal na mahal kita anak, bakit mo ako iniwan, sino na ang magpapsaya sa akin kapag ako ay nalulungkot at ang magtatanggal ng aking pagod. Hindi ko mapigilan ang mga luha sa aking mata na panay na sa pagtulo. Ako ay napatakbo palabas ng simbahan . At doon nakita ko si Mario na umiiyak pa rin habang sinasabi na “akala ko ba walang iwanan, paano na ang ating mga pangarap....
At isang nakaputing lalaki ang lumapit sa akin at pinunasan ang aking umiiyak na mata. Kinuha niya ang aking mga kamay at sinabi niyang halika na.. hinding hindi ka na mahihirapan pa.
No comments:
Post a Comment