Friday, November 04, 2011
ano ba talaga ang gusto ko?
Ano ba talaga ang gusto ko?
Noong bata ako, ang ambisyon ko maging isang astronaut. ako lang ang nakakaalam sa bagay na yan nung kabataan ko. Kasi tuwing tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko paglaki ko, palagi kong sagot maging isang "nurse". ewan ko ba, yan na ata ang pinakacommon na sagot sa tanong na "anong gusto mo paglaki mo?". Pero gusto ng papa ko na maging isang pediatrician ako, mahilig kasi ako sa mga bata. akala ko magiging consistent ang pagkagusto ko na maging nurse. Simula kinder hanggang 3rd year high school gusto ko maging isang nurse at magtrabaho sa ibang bansa, yun lang wala ng iba. Pero noong 4th year na ako, at ilang months na lang graduation na, tinanong ako ni papa "anong kukunin mong course sa college?" ako naman biglang nagdalawang isip. Gusto ko rin bang maging isang engineer tulad ng papa ko at ng mga kapatid ko? Pero nasabi na ni papa na di bagay sa babae ang maging isang engineer dahil itatake for granted lang daw. Okay, yun na lang nasagot ko, at di ko na pwede pang idepensa ang sarili ko dahil marami na syang alam sa mundo ng pagiging engineer at isa pa ayoko talaga sa math. Nursing. Yun na lang ang nasabi ko. "Magnunursing ka? Hindi ka aangat sa buhay kung yan ang pipiliin mo. Di ka yayaman hanggat di ka nakakaabroad. Gusto mo bang ikaw ang humahawak sa dumi ng tao o kaya makakakita ng mga namamatay o naaksidente?" (sorry nursing graduates, yan ang opinyon ng Papa ko sa bagay na yan, at alam ko tama naman siya).Dahil sa mga sinabi ni papa, mas lalo akong nahirapang magdecide. Naisip ko, kung magaastronaut ako, kelan sa ibang bansa ako mag-aral dahil di naman sya available dito sa Pinas.
Ayun, dumating na nga ang isang mahirap na pagsubok. Ang paglagay ng 3 choices na course bago magtake up ng entrance exam.At wala sa pagpipilian ang Accountancy. Ang course na gusto para sa akin ni papa. Sa Mendiola lang daw inoofer ang course na yun. So first choice ko Business Administration, 2nd Nursing, 3rd Tourism. Mabuti na lang may brochure sila ng mga courses. Suggestion kasi ng registrar yung Tourism, kaya inilagay ko na - isang course na pangmayaman (at di rin yan gusto ng papa ko para sa akin).
Naging masaya naman ang buhay ko sa BA. Hanggang sa nagkaroon ng Dentistry sa building namin. Heto naman si ako, parang ang saya maging dentistry. Kaso mahal ang tuition fee at 6 years yun sa college. So di pwede. May subject kami na political science, hanggang sa naisipan kong mag-Law. Naisipan ko na ilang years din pala yun. at may board exam na iilan lamang ang pumapasa. So di pwede. 4th year sa college, ang huling taon ng paghihirap at pagdadasal na sana makasamang magmarcha sa graduation. Saka ako nagkainteres sa Photoshop. At doon gumana ang malawak kong imahinasyon, at nasabi na lang ng mga kaibigan ko na sana nagmultimedia na lang daw ako, dahil may potential daw ako at mas lalo pang mahasa ang kaalaman ko. Sh*t! bat ngayon lang ako nagkaroon ng calling sa ganito. Well, wala na akong magagawa. Kasi for sure di rin naman ako papayagan ng parents ko. pero palagi kong nasasabi sa sarili ko, kapag may work na ako, mag-iipon ako ng pangtuition ko at mag-aaral ako sa isang multimedia school.
Ngayon, gusto ko naman maging isang accountant, isang patissiere, isang journalist, photographer, web designer. Pangarap ko na sigurong masasabi ito.
Pero gusto ko talaga na maging isang astronaut. :D
Ano pa ba?
No comments:
Post a Comment