Wednesday, February 01, 2012

Random Jokes

Random Conversation Jokes. 

Teacher: Unang makasagot sa tanong ko, mauunang umuwi.
Excited mga studyante. 
Juan: (Hinagis ang bag sa labas)
Teacher: Kaninong bag yun?
Juan: Akin Ma'am! Bye everyone!

**
Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.
Ana: Talaga? Gusto ko gumanda.
Genie: Buksan mo ang bote.
Ana: At gaganda na ako?
Genie: Hindi, babalik na lang ako. 

**
Boy 1: Pare anong araw ngayon?
Boy 2: Martes pare.
Boy 1: Cge pare ganyanan na!
Boy 2: Joke lang pare, eto naman di mabiro. Happy Monthsary :*

**
Nagtalo ang mga HUDYO at INTSIK kung sino sa lahi nila ang nauna sa mundo.
Hudyo: Kami! Dahil kami ang nagpako kay Hesus sa krus.
Instik: Aber? Saang hardware kay bumili ng pako?

**
Q: Bakit walang color orange na angry birds?
A: kasi magmumuka silang kwek-kwek. 

**

Teacher: Juan 1+3?
Juan: 4 po Mam
Teacher: Very good! ikaw naman Pedro, 3+1?
Pedro: yan na! yan na! langya! kapag yung mahirap sa akin na!

**
Amo: Inday, napunasan mo na yung keyboard ng PC ko?
Inday: di ko lang po pinunasan ate, inarrange ko pa alphabetically, di kasi sunod-sunod eh!

**
PINOY HENYO
"Kutsilyo"
Juan: Bagay ba to?
Pedro: oo.
Juan: nasa bahay?
Pedro: oo
Juan: gamit sa kusina
Pedro: oo!
Juan: matalim ba?
Pedro: oo! oo!
Juan: pinanghihiwa ng kamatis, sibuyas, ganun?
Pedro: OO! OO! OO!
Juan: Pass.

**
Juan: Oy ano yan? Kamote? Pahingi naman.
Pedro: Pahingi? Nasaan ka nung nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka nung nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat, at bumubuhos ang ulan? Nasaan ka nung oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa daanan ko, nung naghihirap ako sa pagpasan ng kamote? Nasaan ka?
Juan: Nakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng Madamot!
Pedro: Ganun ba, kuha ka na, kahit ilan. May pinya pa dun. 

**
Sa MRT.
Boy1: Pare nakakahiya tayo!
Boy2: Bakit naman?
Boy1: Yung matanda nakatayo, tayo nakaupo. Ayoko makakita ng matandang nahihirapan.
Boy2: Ako din! Tara pikit tayo!

**
In a classy wine bar,
German: Waiter, remy martin, single!
French: Waiter, carlo rossi, double!
Italian: Waiter, margarita scotch on the rock, separate!
Pinoy: Bakit kailangan pang iintroduce ang sarili bago umorder. Waiter, Pedro Gardenero, byudo!

**
2 Pilosopo sa Fastfood.
Customer:  Paorder ng cheeseburger, regular coke, and fries
Crew: Dito nyo po ba kakainin?
Customer: pwede sa table na lang, nakakahiya naman dito may nakapila pa sa likod dba?
Crew: sa table nyo po ba gusto talaga kumain? Baka gusto nyo sa plato na lang, para di baboy tignan. 

**
Boy: Ballpen ka ba?
Girl: (banat na naman to panigurado). Oo bakit?
Boy: Oh my ghaaaad! Nagsasalitang ballpen.

**
Boy: Ngayon heart surgery mo diba?
Girl: Ngayon na.
Boy: I love you so much!
Girl: I love you too!
After the surgery, yung tatay lang nya ang nasa tabi nya.
Girl: Dad, nasaan sya?
Tatay: Di mo ba alam  kung sino ang nagbigay ng puso mo?
Girl: Sya.. siya ba? (started to cry)
Tatay: JOKE LANG!

**
Boy: unggoy ka ba?
Girl: bakit? kasi lumalambitin ako sa puso mo?
Boy: hindi.
Girl: eh bakit ako unggoy?
Boy: wala lang. akala ko lang talaga. sorry naman!

**
Girl: Ang lamig mo sigurong humalik noh!
Boy: Bakit?
Girl: Nagyeyellow kasi ngipin mo eh! 

**
Teacher: What do you think is the BIGGEST PROBLEM of YOUTH now?
Student: Alak po!
Teacher: (impressed) Bakit mo naman nasabi yan?
Student: Ang MAHAL na po kasi eh! ang laki tuloy ng ambagan!

**


No comments:

Post a Comment